^

PSN Palaro

Oden balik NBA, pumirma sa Heat

Pilipino Star Ngayon

MIAMI --Sumailalim na si Greg Oden sa kanyang physical test, nakahanap ng bahay sa South Florida at pumirma ng kontrata.

Apat na taon na ang nakararaan nang huling maglaro siya sa NBA.

Pinirmahan ng da­ting No. 1 overall pick ang kon­trata sa two-time defen­ding NBA champion Mia­mi Heat noong Miyer­kules para pormalisahin ang kanyang pagbabalik sa NBA.

Tatanggap si Oden ng $1 milyon ngayon season kasama ang isang $1.1 million player option para sa 2014-15 season.

“I am very excited and happy to be here,’’ sabi ni Oden. “I’m thankful to the Miami Heat organization for bringing me in and I’m ready to get to work.’’

Sinabi ni Heat president Pat Riley na iingatan nila ang paglalaro ni Oden, tat­long beses dumaan sa cartilage-repair procedure na kilala bilang microfracture surgery.

‘’It’s a great challenge for him,’’ ani Riley sa isang statement. 

Sinabi ng 7-footer na si Oden na pumayag siyang maglaro sa Miami na hindi umaasang kaagad siyang makakatulong sa kanilang koponan.

Huling naglaro si Oden sa NBA noong Disyembre 5, 2009 para sa Portland kontra sa Houston bago siya sinalanta ng injury.

 

vuukle comment

APAT

DISYEMBRE

GREG ODEN

HULING

MIAMI HEAT

MIYER

ODEN

PAT RILEY

SINABI

SOUTH FLORIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with