^

PSN Palaro

Jawo sa Gilas Pilipinas: ‘Higpitan ang depensa sa top scorers ng Kazakhs’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Basket­ball legend Robert Jaworski na tatalunin ng Pilipinas ang Kazakhstan sa knockout quarterfinals ng 27th FIBA-Asia Championships sa Mall of Asia Arena nga­yong gabi dahil ang Natio­nal pride ang nakataya at taglay ng host team ang ta­lento para ito magawa.

Kung mananalo ang Gi­las ay papasok ito sa semifinals para labanan ang mananalo sa pagitan ng South Korea at Qatar.

Dahil No. 1 ang Pilipinas sa Groups  A-B, maiiwa­san nitong makaharap ang Iran at China.

Ang pag-abante sa se­mifinals ay manganga­hulugan ng dalawang tsan­sa para sa Pilipinas na ma­kakuha ng isa sa tatlong tiket patungo sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Ito ay dahil ang dalawang Final Four losers ay maglalaban para sa third place sa Linggo. 

Ang top three placers ang kakatawan sa Asia sa 24-nation FIBA World Cup na idaraos sa anim na Spanish venues. 

“Kazakhstan is a team we beat in a tune-up game,” sabi ni Jaworski.  “No reason not to beat them again but as in other games, we need to be conscious of boxing out during rebounds, push them farther away from rebound areas and mark those who have high percentage shots.”

Sa isang warm-up, tinalo ng Pilipinas ang Kazakhs­tan, 92-89, kung saan umiskor sina Jeff Chan at Jayson Castro ng tig-20 points.

Pinangunahan ni Jerry Johnson ang Kazakhs mula sa kanyang 17 points at 8 assists.

  Nagdagdag naman si Anton Ponomarev ng 16 points at 9 boards.

Sinabi ni Jaworski na dapat higpitan ng Gilas ang depensa sa mga top sco­rers ng Kazakhstan.

“Tighten defense on the key scorers the whole night,” dagdag pa ni Jaworski.

vuukle comment

ANTON PONOMAREV

ASIA CHAMPIONSHIPS

DAHIL NO

FINAL FOUR

JAWORSKI

KAZAKHSTAN

PILIPINAS

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with