Gilas puntirya ang semis vs Kazakhstan laban Pilipinas!
Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena, Pasay Cty)
10:30 a.m. Bahrain vs Hong Kong
12:45 p.m. Japan vs India
MANILA, Philippines - Dalawang panalo na lamang ang layo ng Gilas Pilipinas para makuha ang isa sa tatlong tiket sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Nakamit ang No. 1 seat sa Group E, lalabanan ng Pilipinas ang No. 4 Kazakhstan ngayong alas-8:30 ng gabi sa knockout quarterfinal round ng 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Naiwasan ng NatioÂnals na makatapat ang nagdedepensang China, nalagay sa Group F No. 3 at haharapin ang Group E No. 2 Chinese-Taipei sa alas-5:45 ng hapon.
Makakatapat naman ng Group F No. 1 Iran ang Group E No. 4 Jordan sa alas-3 ng hapon.
“Nothing is easy, noÂthing is sure,†wika ni National head coach Chot ReÂyes matapos ang kaÂnilang 67-55 panalo laban sa dehadong Hong Kong sa pagtatapos ng elimination round noong Miyerkules.
Nauna nang nakaharap ng Gilas ang Kazakhstan sa kanilang pinakahuling tune-up game bago ang 2013 FIBA-Asia ChamÂpionÂship.
Sumandal ang NatioÂnals kay Jeff Chan sa dulo ng final canto para takasan ang Kazakhs, 92-89, noong Hulyo 30 sa Smart Araneta Coliseum.
Lalabanan ng KazakhsÂtan ang Pilipinas na may mga injured players kagaya nina naturalized point guard Jerry Johnson, 6-foot-8 Mikhail Yevstigneyev at 6’4 guard Konstantin Dvyrnyy.
“When you don’t have anything to lose, you can even play a great game as we did in the game versus China,†sabi ni Italian mentor Matteo Boniciolli. “I know my team can produce even as we saw in the scrimmage before the beginning of competition against the Philippine team.â€
Hindi naglaro sina JohnÂson, Yevstigneyev at DvyÂrnyy sa kanilang 53-85 pagÂÂyukod sa Iran noong MiÂyerkules.
Ang Kazakhstan ang tumalo sa Pilipinas para sa agawan sa bronze medal sa 2002 Asian Games sa Busan, Korea.
“Matagal na ‘yon. At maÂdalang silang mag-comÂpete. That’s why it’s hard to scout them. It’s hard to read their game,†ani Jong Uichico, ang coach ng PiliÂpinas noong 2002 Asian Games.
Bukod kay Chan, muli ring aasahan ni Reyes sina 6’11 naturalized center Marcus Douthit, Ranidel De Ocampo, Gabe Norwood, Jayson Castro William, LA Tenorio, Jimmy Alapag, Japeth Aguilar, Mark Pingris, Larry Fonacier, Gary David at June Mar Fajardo.
- Latest