^

PSN Palaro

Team Manila binokya ang Ontario sa World Big League

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahusay na nagtambal sa mound sina Hazel Claudette Anque at Mary Luisse Garde para pamunuan ang Team Manila sa 15-0 shutout panalo sa Ontario District five sa idinadaos na World Big League Softball Cham­pionship sa Sussex County, Delaware, USA.

Ang koponan ni coach Ana Santiago ang siyang nag­dedepensang kampeon ng torneo at ang panalo ang una sa torneo upang makasalo ang Host District III (1-0) sa Pool B kasunod ng 2-0 na USA Central.

Si Anque ay nagbigay lamang ng isang hit at may pitong strikeouts sa tatlong innings na pagpukol habang si Garde ay hindi nagbigay ng run sa isang inning na pagpukol.

Kumawala ang Asia-Pacific champion ng 15 hits at si Lorna Adorable ay may tatlong hits habang tig-dalawa ang ginawa nina Queenie Sabobo at Krisna Paguican.

Sa ikatlong inning kumawala ang Team Manila matapos ang 11 runs para katampukan ang panalo sa larong tumagal lamang ng apat na innings.

Sunod na asignatura ng Manila ay ang Pennsylvania District 32 na hindi pa nananalo matapos ang dalawang laro.

Sampung koponan ang naglalaban-laban sa dibisyon at ang mangungunang dalawang koponan sa dalawang pangkat ang magtutuos sa semifinals upang malaman  kung sino ang magtutuos sa one-game finals.

vuukle comment

ANA SANTIAGO

HAZEL CLAUDETTE ANQUE

HOST DISTRICT

KRISNA PAGUICAN

LORNA ADORABLE

MARY LUISSE GARDE

ONTARIO DISTRICT

PENNSYLVANIA DISTRICT

TEAM MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with