^

PSN Palaro

Reyes tiwalang puputok na si ‘El Granada’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi maikakailang may malaking pinagdaraanan si Gary David.

Sa kanyang tatlong laro sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships, nagtala ang produkto ng Lyceum ng 2-of-18 fieldgoal shoo­ting para sa Gilas Pilipinas.

“Siyempre, ilang laro nang medyo nawawala si Gary. Lahat naman kami kinakausap siya eh,” sabi ni power forward Ranidel De Ocampo kay David. “Bilang isa sa matatanda sa team, ako ang nagsasabi sa kanya.”

“Isang bagay na sinabi ko sa kanya, isipin mo na lang na ang pamilya mo, gusto nilang  maipag-ma­laki ka nila palagi,” dagdag pa nito.

Sa kanilang 90-71 pag­lampaso sa Japan noong Lunes, tumapos si David na may 5 points, tampok dito ang isang three-point shot sa dulo ng fourth quarter.

Ayon kay De Ocampo, malaki ang magagawa ng naturang produksyon ni David, naglista ng mga averages na 25 points, 3.8 rebounds at 2.4 assists per game sa 2011-2012 PBA Philippine Cup, para sa mga susunod na laro ng Gilas.

“Malaking bagay ‘yung nangyari na bago matapos ‘yung laro, naka-shoot siya, so madadala niya ‘yun sa susunod na laro,” sabi ni De Ocampo kay David, ang unang local cager na umiskor ng 30 points sa anim na magkakasunod na laro para sa Coca-Cola sa 2011-2012 PBA Philippine Cup.

Kagaya ni De Ocampo, binibigyan din ni head coach Chot Reyes ng kumpiyansa si David.

Sinabi ni Reyes na hindi nila pinag-uusapan ang nangyayari sa 35-anyos na si David sa torneo.

“I thought if I talked to him about it, the more pressured he’d get. So we just went through our regular routines yesterday. We didn’t really talk about it,” ani Reyes.

Marami ang umaa­sang muling puputok si ‘El Granada’ sa mga krusyal na laro ng Nationals.

ASIA MEN

CHOT REYES

DAVID

DE OCAMPO

EL GRANADA

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

LARO

PHILIPPINE CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with