Si Sambile na ang MVP sa UAAP women’s cagefest kung...
MANILA, Philippines - Kung hindi mapipigil sa second round ay tiyak na mapupunta na kay Camille Sambile ng FEU ang MVP sa women’s division ng UAAP basketball.
Ang power-forward na si Sambile ay run-away leader sa pinakamalaÂking individual award na ipinamimigay sa basketball matapos ang first round.
Hindi natalo sa pitong laro ang Lady Tamaraws para palawigin din sa 25-sunod ang winning streak at si Sambile ang isa sa malaking dahilan ng pamamayagpag pa rin ng tropa ni coach Allan Albano.
May 89.2857 total statistical points si Sambile mula sa nangungunang 520 statistical points at 105 bonus points.
Una si Sambile sa scoÂring sa 19.7 puntos at sa steals sa kanyang 4.6 kada laro bukod pa sa 11.4 rebounds.
Si Afril Bernardino ng National University ang nasa malayong ikalawang puwesto sa 67.00 TSP habang ang UST center na si Maica Cortez ang nasa ikatlo sa 65.4286.
Si Ara Abaca ng La Salle ang nasa ikaapat na puwesto sa 62.2857 habang ang national youth girls team player Danica Jose ng Ateneo ang nasa ikalimang puwesto sa 60.7143 TSP.
May 12.4 puntos, 11.6 rebounds, 2 steals at 1.9 blocks si Bernardino para bigyan ang Lady Bulldogs ng pumapangalawang 6-1 baraha habang ang sentro na si Cortez ay mayroong 13.7 puntos, 13.9 rebounds at 1.3 blocks para sa Lady Tigresses na may 3-4 baraha at kasalo ang Adamson at UP sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto.
- Latest