Reyes itinuturing na mahirap na kalaban ang Kazakhstan
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng KaÂzakhsÂtan ang pagwalis sa preliminary round sa Group D matapos igupo ang India, 80-67, sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nauna nang tinalo ng Kazakhstan ang Thailand, 81-67, at ang Bahrain, 79-76 via overtime, para iposte ang kanilang 3-0 record.
Ang Kazakhstan ang nagpahirap sa Gilas Pilipinas sa kanilang pinakahu-ling tune-up game bago ang torneo.
Sumandal ang Natio-nals kay Jeff Chan sa dulo ng fourth quarter para taÂlunin ang Kazakhs, 92-89, noong Hulyo 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Sinabi ni Gilas head coach Chot Reyes na maaaring muling makasagupa ng mga Pinoy ang Kazakhs sa quarterfinal round ng 2013 FIBA-Asia Championships.
“In my books, KazakhsÂtan is one of the stronger teams. We always have a tough time with them that’s why we chose not to group with them in the preliminary round,†wika ni Reyes.
Ngunit bago ito mangyari ay haharapin muna ng Kazakhstan sa second round ang nagdedepensang China, Iran at South Korea.
Sa kanilang panalo sa India, umiskor si Mikhail Yevstigneyev ng 21 points bagamat na-foul out sa fourth quarter para sa Kazakhstan, habang may 16 si naturalized guard Jerry Johnson.
- Latest