Training ng National shooters apektado ng gun ban: PNSA nagpapasaklolo sa POC-PSC
MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo ang Philippine National Shoo-ting Association (PNSA) sa Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission(PSC) para mabigyan ng exemption sa gun ban na ipinaiiral sa bansa dahil sa magaganap na barangay election.
Ipinaalam ni PNSA preÂsident ret. Col. Danilo Gamboa kina POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia na malaking problema sa asosasyon ang gun ban dahil hindi makapagsanay ang kanilang National shooÂters na naghahanda sa South East Asian ShooÂting Association (SEASA) Championship at South East Asian Games.
Ang SEASA ay gagawin sa Kuala Lumpur, MaÂlaysia sa Nobyembre habang ang SEA Games ay lalaruin sa Myanmar sa Disyembre.
“Naaapektuhan kami ng gun ban dahil hindi kami mabigyan ng exemption. Noong local election noong May pa nagsimula ang gun ban at patuloy na ipinaiiral ito dahil sa nalalapit na BaÂrangay election. Sana ay matulungan kami na maÂkakuha ng exemption dahil naaapektuhan ang ating mga National shooters,â€wika ni Gamboa.
Ang SEASA ChamÂpionships ay dapat isasaÂgawa sa Pilipinas pero huÂmiling ang PNSA na ipagpaliban ito sa susunod na taon dahil sa gun ban.
Pero nagdesisyon ang SEASA na ibigay na laÂmang ang hosting sa Malaysia at ginawang co-host ang Pilipinas dahil malabong may sumali pa sa kompetisyon kung ito ay gagawin sa Enero o Pebrero ng 2014.
Nais ng PNSA na suportahan ng POC at PSC ang kanilang liham sa CoÂmelec at PNP para dinggin ang kanilang karaingan.
Nagsabi naman si Cojuangco na gagawin ang makakaya para matuluÂngan ang PNSA.
Pero isinuhestiyon din niya kay Gamboa ang paggawa rin ng hiwalay na liham sa Pangulong BenigÂno Aquino III na kilalang mahilig sa shooting.
“The President is an avid fan of shooting and I think he can help a lot to remedy the problem,†ani Cojuangco.
Nais ng PNSA na maÂkapagpadala ng malakas na koponan sa SEASA para manalo ng mga gintong medalya at pawiin ang pagkawala ng hosting sa bansa.
- Latest