Francisco, Ambohot sinuspindi ng NCAA
MANILA, Philippines - Bukod sa kabiguan sa Emilio Aguinaldo College noong Sabado, dalawang player din ng Lyceum ang napatawan ng isang one-game suspension dahil sa kanilang unsportsmanlike foul.
Sa 76-83 pagkatalo ng Pirates sa Generals sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament, napatalsik sa second half sina Mark Francisco at Joseph Ambohot.
Sinasabing sinadyang bigyan ng hard foul nina Francisco at Ambohot si EAC rookie Sidney OnwuÂbere.
Unang sinuntok ni Francisco si Onwubere sa tiyan kasunod ang pagtira ni Ambohot sa ulo nito.
Sina Francisco at AmÂÂbohot ang ikaapat at ika-limang players na nasusÂpinde ng NCAA matapos ang mga kakamping sina team captain Andrei Mendoza, Dexter Zamora at Tirso Lesmoras, Jr.
Napagsilbihan na nina Mendoza at Lesmoras ang kanilang one-game suspensions, habang isang three-game suspension ang ipinataw kay Zamora dahil sa kanyang unsportsmanlike act sa 69-75 kabiguan ng Lyceum sa St. Benilde.
Hindi makakapaglaro sina Francisco, Ambohot at Zamora sa pagharap ng Pirates kontra sa Jose Rizal sa pagbabalik ng aksyon sa Agosto 15 sa The Arena sa San Juan.
Magkakaroon ang NCAA ng isang two week-break para bigyang-daan ang 27th FIBA-Asia Men’s Championships na magsisimula ngayon sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
- Latest