^

PSN Palaro

Ex-NBA na si Wang ibabandera ng China

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos 18 taon na ang nakararaan nang maglaro si Wang Zhizhi para sa China sa harap ng mga Filipino fans noong 1995 Asian Juniors Championships na idinaos sa Manila.

Nagbalik ang 36-anyos na si Wang sa bansa para tulungan ang China na maidepensa ang kampeo­nato sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

“It was a long time ago, almost 18 years. I have a lot of Filipino friends in here. Thanks to the Filipino fans,” wika ni Wang, muling kinuha ng China para sa nasabing Asian tournament.

Ang 6-foot-11 na si Wang ay ang 36th overall pick ng Dallas Mavericks sa 1999 NBA Draft at nakapag­laro para sa Los Angeles Clippers (2002-2003) at Miami Heat (2003-2005).

Bahagi si Wang ng Chinese team na kumuha ng mga gintong medalya sa FIBA-Asia Championships noong 1999 sa Fukuoka, Japan at noong 2011 sa Wuhan, China.

Miyembro rin ang two-time Olympian na si Wang ng koponang su­mikwat ng ginto sa Asian Games noong 1998 (Bu­san,Korea), 2006 (Doha, Qatar) at 2011 (Guangzhou, China).

Sinabi ni Wang na ito na ang huling pagkakataon na maglalaro siya sa FIBA-Asia Championships.

vuukle comment

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA MEN

ASIAN GAMES

ASIAN JUNIORS CHAMPIONSHIPS

DALLAS MAVERICKS

LOS ANGELES CLIPPERS

MIAMI HEAT

WANG

WANG ZHIZHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with