^

PSN Palaro

Jaworski pinalakas ang morale ng Gilas nagbigay ng magandang mensahe sa pagbisita sa koponan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binisita ni basketball Living Legend Robert Jaworski ang pagsasanay ng Gilas National team noong Lunes para tumulong sa pagpapataas ng kanilang morale para sa 27th FIBA Asia Men’s Championship na gagawin sa bansa mula Agosto1 hanggang 11.

Nagbigay ng pananalita si Jaworski na kung saan hinimok niya ang mga manlalaro na samantalahin ang pagkakataong ibinibigay sa kanila bilang National players at mag-enjoy sa paglalaro sa prestihiyosong kompetisyon bagay na hindi naibibigay sa lahat ng basketball players.

“He gave the team words of wisdom that to embrace the privilege of playing for the National team and to go out and have fun and enjoy this once-in-a-lifetime experience. It’s gonna be very, very, very tough but we still have to find a way to enjoy the experience,” wika ni National coach Chot Reyes sa press conference sa torneo kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng nagdedepensang kampeon China, Iran, Jordan at Kazakhstan at tinukoy ni Reyes ang mga ito bilang title contenders tulad ng Pilipinas.

Ang Korea, Japan, Chinese Taipei at Qatar ay may mga tsansa rin dahil balansiyado ang tagisan sa torneo na kung saan ang Mall of Asia Arena ang main venue habang ang Ninoy Aquino Stadium sa Manila ang isa pang venue na pagdarausan ng laro.

“The five teams in this table together with Korea, Japan, Chinese Taipei and Qatar are the strong teams because any team can beat any team. This shows the parity in this tough tournament,” dagdag ni Reyes.

Hindi naman padedehado ang Gilas kahit mas maliit ang mga manlalaro nito kumpara sa China at Iran at nagkaroon ng limitadong oras na magsama-sama para makapaghanda sa torneo.

Wala rin siyang nakikitang sagabal kung pagpasok sa semifinals ang pag-uusapan pero ang tinitingnan niyang mahalagang laro ay ang quarterfinals na pagpapasimula sa knockout format.

“We have a very good chance to make it to the semis. Beyond that its anybody’s game,” ani pa ni Reyes.

Ang mga may injuries na sina Ranidel De Ocampo at Jayson Castro ay maayos na at handang maglaro bukas laban sa Saudi Arabia sa ganap na alas-8:30 ng gabi.

Kahit ang mga kinatawan na dumalo sa pagpupulong ay sang-ayon sa sinabi ni Reyes na walang nakakatiyak sa mananalong koponan.

“There are a bunch of teams who are candidates to win the championship so I think every one can beat anybody and that the most important game is the quarterfinals,” pahayag ni Iranian coach Mehmed Becirovic.

ANG KOREA

ASIA MEN

CHINESE TAIPEI

CHINESE TAIPEI AND QATAR

CHOT REYES

GILAS NATIONAL

JAYSON CASTRO

MALL OF ASIA ARENA

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with