^

PSN Palaro

6 naturalized players magpapasiklaban sa FIBA-Asia

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na naturalized pla­yers ang maglalaro sa 27th FIBA-Asia Championships na sisimulan sa Huwebes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Mangunguna sa talaan si Marcus Douthit ng Gilas Pilipinas, dating ikinonsidera para sa Pambansang koponan na si C.J. Giles ng Bahrain, Jarvis Hayes ng Qatar, Jerry Johnson ng Kazakhstan, Jimmy Baxter ng Jordan at Quincy Davis ng Chinese Taipei.

Ang 33-anyos at 6’10 na si Douthit ay nasa koponan mula pa noong 2011 at nakalaro na sa Wuhan, China sa isa ring FIBA Asia Championship at naghatid ng 21.9 puntos at 12.2 rebounds kada laro.

Siya uli ang sasandalan ng Nationals na puwersa sa gitna para makapasok sa unang tatlong puwesto at makalaro ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa Madrid, Spain sa 2014.

Si Giles na may taas na 6’11 ay naglaro sa Pilipinas noong 2009-10 pero nga­yon ay dinala ang talento sa Bahrain. Naglaro rin siya dati sa Los Angeles Lakers sa 2008-09 NBA pre-season pero hindi nakasama sa official roster ng koponan.

Ang mata ay tiyak na itutuon kay Hayes, ang 6’7 for­ward na magilas kung mag­laro. Beterano ang 32-anyos sa NBA at naglaro siya sa Washington Wizards sa loob ng pitong taon.

Ang 6’10 guard na si Johnson ang magpapala­kas sa Kazakhstan dahil beterano siya ng mga liga sa Turkey, Cyprus, France, Belgium at Lithuania.

Naipakita ni Johnson ang kanyang galing nang magtala siya ng 17 puntos sa 89-92 pagkatalo ng Kazakhstan sa Gilas sa tune-up kamakailan sa Smart Araneta Coliseum.

Si Baxter ay isang 6’6 guard at beterano siya ng 14 iba’t ibang liga. Naghatid siya ng 14.6 puntos habang naglalaro sa Germany at 15.2 puntos noong kinuha sa Venezuela. Pinalitan niya si Rasheim Wright bilang import ng Jordan.

Titibay naman ang gitna ng Chinese Taipei sa pagpasok ng 6’9 na si Davis na may bigat na 245-pounds.

Edad 30-anyos si Davis at naglaro rin siya sa Cyprus, Turkey, Venezuela at China at ang mga karanasang nakuha sa mga ligang ito ang magpapalakas sa hangaring matulungan ang Taiwanese team na bigyan ng magandang pagtatapos sa FIBA-Asia.

 

vuukle comment

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA CHAMPIONSHIPS

BAHRAIN

CHINESE TAIPEI

GILAS PILIPINAS

JARVIS HAYES

JERRY JOHNSON

KAZAKHSTAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with