Birhen pa rin: Knights dumiretso sa 7 sunod na panalo
Laro sa Agosto 12
(The Arena, San Juan)
4 p.m. Arellano vs St. Benilde
6 p.m. SSC vs SBC
MANILA, Philippines - Ipinagdiwang ni Mark Cruz ang kanyang ika-21 taong kaarawan noong SaÂbado.
Ngunit itinuloy pa niya ito kahapon.
Kumolekta ang 5-foot-4 pointguard na si Cruz ng game-high 22 points, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals para igiya ang Letran College sa kanilang pang pitong sunod na panalo sa bisa ng 87-68 paggiba sa Mapua sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan Arena.
Nagdagdag si 6’7 center Raymond Almazan ng 13 points na tinampukan ng tatlong slam dunks kasunod ang 12 ni Jojo Belorio at 11 ni McJour Luib.
Itinaas ng Letran ang kanilang kartada sa 7-0 sa itaas ng three-time champions San Beda (6-1), Perpetual (5-2), San Sebastian (4-3), Jose Rizal (4-3), Lyceum (2-4), Arellano (2-4), EAC (1-5), St. Benilde (1-5) at Mapua (1-6).
Binuksan ng Knights ang laro mula sa ikinargang 18-6 abante sa 3:17 ng first period mula sa isang two-handed slam ni Almazan bago itinala ang isang 20-point lead, 28-8, buhat sa isang three-point shot ni John Jovit Tambeling sa 9:21 ng second quarter.
Sa likod nina Kenneth Ighalo, Joseph Eriobu at Mark Jayson Brana ay nakalapit ang Cardinals sa 41-51 agwat sa 7:04 ng third period bago ito tapusin sa 53-68 paghahabol.
Muling nagbida sina Cruz at Almazan sa final canto para iposte ang isang 21-point advantage, 82-61, ng Letran laban sa Mapua sa huling 2:28 nito.
Ganap na sinelyuhan ng Knights ang panalo matapos isalpak ni Almazan ang isang slam para sa kanilang 84-63 bentahe kontra sa Cardinals sa 2:18 ng laro.
Samantala, magbabalik ang mga aksyon sa NCAA sa Agosto 12 para magbiÂgay-daan sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11.
Letran 87 - Cruz 22, Almazan 13, Belorio 12, Luib 11, Tambeling 8, Racal 8, Nambatac 7, Po 3, Buenaflor 3, Castro 0, Ruaya 0, Olotu 0.
Mapua 68 - Ighalo 17, Biteng 11, Eriobu 11, Brana 11, Isit 6, Saitanan 6, Gonzalez 2, Magsigay 2, Estrella 2, Sumampong 0, Gabo 0, Guzman 0, Magtoto 0, Layug 0.
Quarterscores: 25-8; 47-30; 68-53; 87-68.
- Latest