^

PSN Palaro

UAAP Board ‘di kinatigan ang apela ng Adamson

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi kinatigan ng UAAP Board ang kahilingan ng host Adamson na ulitin ang laro ng Falcons at La Salle noong Miyerkules dahil sa pagkakamali ng referee na ikinaresulta sa paglasap ng 70-67 pagkatalo.

Unanimous decision ang ibinaba ng board na huwag paboran ang apela ng Adamson kasabay ng pagpapalawig naman sa anim na laro ang suspension ni referee Francisco Olivar Jr.

Naunang napatunayan ni league commissioner Chito Loyzaga na nagkamali si Olivar ng tawagan ng unsportsmanlike foul si Gian Abrigo na nagresulta sa dalawang free throws ni Norbert Torres at ball possession ng Archers na nakatulong para manalo ito.

Ikinatuwiran ng board na hindi maaaring ulitin ang laro dahil ang nangyari ay hindi dahil sa teknikalidad kundi isang pagkakamali sa judgement ng referee.

Maluwag naman na tatanggapin ng Adamson ang desisyon at hindi na aapela pa.

 

ADAMSON

CHITO LOYZAGA

FRANCISCO OLIVAR JR.

GIAN ABRIGO

IKINATUWIRAN

LA SALLE

MALUWAG

MIYERKULES

NAUNANG

NORBERT TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with