MILO Marathon Manila leg larga ngayon
MANILA, Philippines - Pakakawalan ngayong umaga ang Manila leg ng 37th National MILO Marathon sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Humigit-kumulang sa 40,00 runners ang inaasahang lalahok sa naturang pang limang qualifying leg ng takbuhan.
Premyong P50,000 ang naghihintay sa mga mananalo sa 42.192-kilometer race, habang P10, 000 ang matatanggap ng mananaig sa 21k division.
Ang mga runners na makakapasok sa cut-off time sa kani-kanilang dibisyon ay magkakaroon ng tsansang makasali sa National MILO Marathon Finals sa Disyembre 8 sa MOA Grounds.
Noong nakaraang taon ay naghari si Jeson Agravante sa Manila leg para makalahok sa 36th National MILO Marathon Finals.
Ang magkakampeon sa men’s at women’s 42.192-kilometer National Finals sa Disyembre 8 ang siyang mabibigyan ng pagkakataong lumahok sa 2014 Paris Marathon.
Noong nakaraang Nationals Finals ang nagdomina sa men’s division ay si Eduardo Buenavista, samantalang si Mary Grace delos Santos ang nanguna sa women’s category.
- Latest