^

PSN Palaro

NBA 3X Philippines di-dribol ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pakakawalan ang NBA 3X Philippines 2013 nga­yong alas-3 ng hapon sa Music Hall ng SM Mall of Asia tampok ang Indiana Pacemates.

Dadalo sa naturang okasyon sina NBA players James Harden ng Houston Rockets at Eric Gordon ng New Orleans Pelicans kasama ang Pacemates at si Grizz, ang mascot ng Memphis Grizzlies.

Pinuri naman ni Carlo Singson, ang NBA Country Manager to the Philippines Asia, ang kasabikan ng mga NBA 3X local streetballers at Pinoy basketball fans.

Idinagdag pa niyang isa ang Pilipinas sa 14 bansa na makakaranas ng NBA 3X ngayong taon.

Ang NBA 3X  sa  Southeast Asia ay inilunsad sa Ma­nila noong 2011.

Ang NBA 3X Philippines 2013 na inihahandog ng Sprite ay magtatampok sa isang 3-on-3 tournament.

Kamakailan ay naghari sina Pinoy streetballers Kobe Paras, Thirdy Ra­vena, Arvin Tolentino at Rashleigh Rivero sa FIBA Asia U18 3-on-3 cham­pionships.

Ang pitong dibisyon sa torneo ay ang boys’ U13 (10-12 years old), U16 (13-15 years old), U18 (16-17 years old) at Open Division (18 years old and above), ang girls’ U16 (13-15 years old), U18 (16-17 years old) at Open Category (18 years old and above) bukod pa sa isang Celebrity Division kasama ang mga media at entertainment personalities.

ARVIN TOLENTINO

CARLO SINGSON

CELEBRITY DIVISION

COUNTRY MANAGER

ERIC GORDON

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACEMATES

JAMES HARDEN

KOBE PARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with