PSC ‘di bibigyan ng pondo ang PVF sa paglahok sa Thailand
MANILA, Philippines - Kailangan mangalap ng sariling pondo ang Philippine Volleyball Federation kung nais nilang magpadala ng women’s national team sa Asian Women’s Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima sa Thailand sa Setyembre.
Ito’y matapos ipagdiinan ni PSC chairman Ricardo Garcia ang ‘di pagsuporta sa delegasyon dahil sa patuloy na kawalan ng eleksyon sa PVF.
Matatandaan na nag-file ng indefinite leave of absence si PVF president Gener Dungo na nasundan ng katulad na aksyon sa ibang opisyales.
Si dating vice president Karl Chan ang inilagay biÂlang acting president at nagnombra siya ng mga taong mauupo bilang inteÂrim officials hanggang sa magdaos sila ng eleksyon sa Enero.
“Wala sa probisyon ng PVF ang interim officials kaya hindi namin sila puwedeng kilalanin bilang bagong leadership kaya’t pati ang pagbibigay ng pondo ay hindi rin puwede naÂming gawin,†wika ni Garcia.
Ang aksyon ng PSC ay ginawa matapos suportahan ang pagpapadala ng men’s at women’s beach teams sa Rachaburi, Thailand na kung saan tumapos sa ikalimang puwesto ang dalawang koponan.
Si Eric Lecain na dating consultant ng PSC ang head coach ng koponan at may endorso ng PVF ang paglahok sa kompetisyon para sa South East Asia.
Pero hindi umano proÂyekto ito ng PVF kundi ng PSC at Cebu Sports Commission dahil ang mga ipinadalang manlalaro ay mga galing Cebu na nanalo sa Philippine National Games (PNG).
Isang by-invitation tryouts ang gagawin ng PVF para mapili ang mga manlalarong bubuo sa Pambansang koponan na lalaban sa 15 iba pang bansa sa kompetisyong itinakda mula Setyembre 13 hanggang 21.
- Latest