^

PSN Palaro

Sasagupa kay Estrada sa sabado Melindo kumpiyansang mababawi ang titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mataas ang kumpiyan­sa ni Milan Melindo na ma­babawi niya ang titulong dating hinawakan ni Fil-Ha­waiian Brian Viloria na WBO at WBA Super World flyweight title.

Makikipagbasagan ng mukha si Melindo sa naka­upong kampeon na si Juan Francisco Estrada ng Mexico sa Sabado sa Vene­tian Casino and Resort sa Macao, China.

Ito ang unang pagka­kataon na lalaban sa le-hi­timong world title ang 25-anyos tubong Cagayan de Oro City na si Melindo pero di siya salat sa karana­san sa malalaking laban dahil siya ang nakaupo bilang WBO international champion matapos ta­lunin sina Jesus Geles ng Colombia at Jean Piero Perez ng Venezuela sa pa­mamagitan ng 1st round TKO at majority decision.

Mas matangkad kay Melindo si Estrada na nakuha ang dalawang titulo nang gulatin si Viloria noong Abril 6 sa pamamagitan ng 12-round split decision panalo sa nasabing venue.

May respetadong 24 panalo sa 26 laban si Estrada kasama ang 18 KO’s pero hindi natatakot si Melindo lalo pa’t naniniwala siya na si Viloria ang may sala kung bakit nanalo ang Mexicano.

“Napagod siya kaya natalo,” wika ni Melindo kay Viloria.

Nakita rin niya ang istilo ni Estrada dahil undercard siya sa title defense ni Viloria at hiniritan niya ng fourth round knockout si Tommy Seran ng Indonesia.

Sa pananaw ni Melindo na tinaguriang “El Metodico” dahil sa suwabeng mga diskarte sa pagpapalambot sa mga nakalaban, mahina kung sumuntok si Estrada kaya’t kakayanin niya ito.

Nasa Macau na ang dalawang boksingero at ngayon ay maghaharap sa unang pagkaka­taon sa press conference sa labang handog ng Top Rank.

Itinalaga naman bilang third man sa ring ang bete­ranong si Raul Caiz Sr. habang ang mga hurado ay sina Takeshi Shimakawa ng Japan, Zolt Enyedi ng Hungary at Rafael Ramos ng USA.

vuukle comment

BRIAN VILORIA

CASINO AND RESORT

EL METODICO

JEAN PIERO PEREZ

JESUS GELES

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MELINDO

SHY

VILORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with