^

PSN Palaro

Stags tinalo ang Generals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Huwebes

(The Arena, San Juan)

4 p.m. Letran vs Arellano

6 p.m.  Lyceum vs St. Benilde

 

 

MANILA, Philippines - Muling bumandrera ang mga rookies ng San Se­bastian matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College, 81-74, sa first round ng 89th NCAA men’s bas­ket­ball tournament sa The Are­­na sa San Juan.

Tumapos si CJ Perez na may 20 points, 15 rebounds, 4  assists at 1 steal pa­ra sa Stags, habang nag-ambag si Bradwyn Guinto  ng 15 markers.

Itinaas ng San Sebastian ang kanilang kartada sa 4-2 sa ilalim ng Letran Col­lege (5-0), three-time champions San Beda College (5-1) at Perpetual (4-1) ka­sunod ang Jose Rizal Uni­versity (3-3), Lyceum (2-3), Arellano University (2-3), Ma­pua (1-4), EAC (1-5) at St. Benilde (0-5).

Sa likod ng 13 points ni Perez, kinuha ng Stags ang first half, 42-36, bago naagaw ng Generals ang unahan, 64-57, sa pagtatapos ng third period.

Isang 12-2 atake ang ginawa ng San Sebastian, iginiya ni assistant coach Raymon Valenzona, pa­­ra ku­nin ang  69-66 bentahe sa 6:21 sa fourth quarter.

Huling lumamang ang EAC sa 70-69 mula sa bas­ket ni import Noube Happi sa 2:27 sa labanan.

ARELLANO UNIVERSITY

BRADWYN GUINTO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOSE RIZAL UNI

LETRAN COL

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with