Women’s basketball team pinalagan ang criteria ng POC at PSC para sa SEAG
MANILA, Philippines - Hindi na dapat isinama ang Philippine women’s basketball team sa mga koponang hindi ipapadala sa Myanmar Southeast Asian Games.
Ito ang paniniwala ni team manager Cynthia Tiu na itinuturing ang national team bilang isang gold medal potential na siyang pangunahing kriterya na ginagamit ng POC at PSC kung sino ang dapat na makasama sa delegasyon.
Tinuran ng women’s cage team official na ang koponan ay isang silver medalist sa 2011 Indonesia SEA Games at nangyari ito matapos mabiktima ng masamang officiating sa laro laban sa Thailand.
“Ang criteria ng POC at PSC ay gold medal winners o potential gold medalist. Kung ito ang kanilang basehan bakit nila iiwan ang women’s national team?†tanong si Tiu, may-ari ng Discovery Suites na siyang tumutulong sa koponan,
Sumulat na siya kay Chief of Mission Col. Jeff Tamayo para ipaalam ang nararamdaman ng buong koponan pero wala siyang balak na hingiin sa POC o PSC na baguhin ang kanilang desisyon.
“Bahala na sila kung ayaw nila kaming ipadala. But we feel, we owe it not only to the Philippine team members but to the entire women’s basketball community to fight for all the woman players to keep their dreams of representing the country alive,†wika pa ni Tiu.
Ang women’s basketball ang ikalawang team sport na lumabas para kuÂwestiyunin ang criteria na ipinalabas ng POC, piÂnamumunuan ni Jose CoÂjuangco Jr., at PSC, piÂÂnangungunahan ni chairman Ricardo Garcia.
Una nang naghayag ng saloobin ang football federation na itinutulak ang pagsali ng Under 23 team dahil masisira ang development ng sport hindi lamang sa mga manlalaro kundi pati sa mga sponsors na tuÂmutulong sa dito.
- Latest