Gilas Pilipinas II haharap sa PBA Selection, Kazakhstan
MANILA, Philippines - Nanggaling sa kanilang training trip sa New Zealand, dalawang koponan pa ang lalabanan ng Gilas Pilipinas II bago sumabak sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships sa Agosto 1-11 na idaraos sa MOA AreÂna sa Pasay City at sa NiÂnoy Aquino Stadium sa MaÂnila.
Makakasagupa ng Gilas II ang PBA Selection sa Hulyo 24 sa Mall of Asia Arena bago harapin ang bisitang Kazakhstan sa Hulyo 26 sa Smart Araneta Coliseum.
Ang naturang dalawang laro ng Nationals ay isaÂsaere sa TV5 sa ganap na alas-8:30 ng gabi.
Ang Gilas II ay binubuo nina Jason Castro, Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Ranidel De Ocampo, Jeff Chan, Gabe Norwood, Marc Pingris, Gary David, Japeth Aguilar, LA Tenorio, June Mar Fajardo at 6-foot-11 naturalized center Marcus Douthit.
Tanging si Beau Belga ang natanggal sa Final 12 ni head coach Chot Reyes.
Ang line-up ng NatioÂnals ay isinumite na ng SaÂmahang Basketbol ng PiÂlipinas sa FIBA.
Tatlong koponan lamang ang makakakuha ng tiket para sa 2014 FIBA World na gagawin sa Spain.
Kasama ng Gilas II sa Group A ang Jordan, Chinese-Taipei at Saudi AraÂbia.
Awtomatiko namang paÂpasok sa second round ang mga koponan sa Group B matapos pataÂwan ng FIBA ang Lebanon ng isang four-year suspension daÂhil sa kabiguang resolbahan ang kaguluhan sa hanay ng mga club teams.
Ang mga ito ay ang Japan, Qatar at Hong Kong.
Ang Japan ay No. 35 sa FIBA kasunod ang Qatar (No. 36).
Ang Hong Kong ay No. 71 sa listahan.
Ang Qatar at Japan ay mga datihan nang qualifiers para sa FIBA-Asia, samantalang huling nakalaro sa torneo ang Hong Kong noong 2007 edition sa Tokushima, Japan.
Ang PBA Selection ay baÂbanderahan nina Chris Tiu, Arwind Santos at rookie sensation Calvin Abueva sa ilalim ng paggiya ni Air21 head coach Franz PuÂmaren.
Ang iba pang nasa koponan ni Pumaren ay sina Cyrus Baguio, Mark Barroca, Alex Cabagnot, Niño ‘KG’ Cañaleta, JVee Casio, Joe Devance, Chris Ellis, Paul Lee, PJ Simon at Jay Washington.
Kabilang naman ang KaÂzakhsÂtan sa Group D kaÂsama ang India, Bahrain at Thailand.
- Latest