Dysam nasa stable condition na matapos mabaril
MANILA, Philippines - Nasa stable condition na si point guard Franz DyÂsam ng Letran College matapos pauÂlaÂnan ng bala ng riding in tandem sa may panulukan ng N. Domingo at Araneta Avenue noong Sabado ng gabi.
“He is scheduled for opeÂration tomorrow to remove four bullets in his boÂdy,†wika ng NCAA sa kaÂnilang official statement kaÂhapon.
Hindi ibinunyag ng Letran administrators kung saÂang ospital ginagamot si Dysam, binabantayan ngayon ng dalawang pulis at isang Letran personal security.
Dumating na ang ina ni Dysam mula sa Cebu.
Nagkaroon na ng malay si Dysam at alam na ang pagkamatay ng kanyang nobyang si Joanne SorÂdan.
Isinalang ni Dysam ang kanyang sarili para sa kapakanan ng kanyang nobya kung saan siya nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan.
Bagamat isang bala laÂmang ang tumama kay Joanne ay naging malubha naman ito at idineklarang dead-on-arrival sa unang ospital na pinagdalhan sa kaÂnila.
Ligtas naman ang kaÂnilang tatlong buwan na anak.
Pinag-aaralan na ng puÂlisya ang CCTV footage na nakakuha ng nasabing insidente.
“Letran officials pray for the speedy recovery of Franz and wish for the fast resolution of the case†paÂhayag ng NCAA.
Samantala, hangad naÂman ng Perpetual ang kaÂnilang ikatlong sunod na panalo at pagsalo sa three-time champions na San Beda sa pakikipagharap sa Mapua ngayong alas-6 ng gabi sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament The Arena sa San Juan City.
Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtatagpo naman ang San Sebastian at ang Emilio Aguinaldo College.
Nanggaling ang Altas sa 73-66 panalo kontra sa Arellano Chiefs kung saan umiskor si rookie Juneric Baloria ng 21 points.
Kasalukuyang tangan ng Letran ang liderato mula sa kanilang 5-0 record kasunod ang San Beda (5-1), Perpetual (4-1), Jose Rizal (3-3), Lyceum (2-3), Arellano (2-3), Mapua (1-4), EAC (1-4) at St. Benilde (0-5).
- Latest