2 Foreign fitness coaches darating para sa seminar
MANILA, Philippines - Dalawa pang dayuhang fitness experts ang daraÂting sa Pilipinas para magsagawa ng apat na araw na seminar sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang Canadian na si Jason Glass at American Janet Alexander ang mga magiging speakers sa seminar na itinakda mula Hulyo 23 hanggang 26 at ito ay proyekto ng Philippine Sports Commission (PSC).
Matatandaan na naunang dumating sa bansa si Milo Bryant ng US at ang mga naituro nito sa seminar na ginawa noong Pebrero ay madudugtungan sa mga ituturo ni Glass at Alexander.
Si Glass ay isa sa mga nangungunang strength & conditioning specialist sa golf at siyang nagmama-ari sa Tour Performance lab and Kinetica Golf Performance sa Vancouver.
Sa kabilang banda, si Alexander ay may 35 taong karanasan sa fitness at health at siya ang isa sa may-ari ng Pacific Fitness and Health Studio, Inc. sa Encinitas, California.
Ang mga kasapi ng national team, mula sa mga atleta hanggang sa mga coaches ay inaasahang makikiisa sa seminar na ito.
- Latest