Apela ng Lebanon team ibinasura ng FIBA
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng International Basketball Federation (FIBA) ang nauna nilang desisyon na suspendihin ang Lebanon para sa darating na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
Ibinasura ng FIBA ang apela ng Lebanon na maÂkapagÂlaro sa naturang torneo na nakatakda sa Agosto 1-11 na idaraos sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.
Nauna nang nagdesisyon ang FIBA na patawan ng suspensyon ang Lebanon noong Hulyo 11.
Ito ay dahilan na rin sa kabiguan ng Lebanese basketball federation na resolbahan ang gulo sa hanay ng mga club teams nito.
“The governance issues affecting basketball in Lebanon are much deeper and much more serious than the mere absence of proper appeal and disciplinary regulations within your statutes. Accordingly we are regretfully not in a position to reconsider our decision of July 11, 2013, and the Lebanese basketball federation remains suspended,†wika ng FIBA sa isang official statement.
“Despite your attempts and those of the FIBA-ASIA secretary-general within the past few days to find solutions to these issues, the situation remains highly unstable,†dagdag pa ng FIBA sa Lebanon.
Nasa Maynila na ang Lebanese team para sa inaasahan sana nilang pagsali sa 2013 FIBA-Asia Men’s Championships.
Tatlong tiket ang pag-aagawan sa naturang qualifying tournament para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Ayon sa Lebanese newspaper na The Daily Star (www.dailystar.com.lb), kumuha na si national team committee member Jean Mamo ng tiket pabalik sa Lebanon at inaasahang darating ngayon sa Beirut.
Nauna nang ikinunsiderang ipapalit sa Lebanon, kabilang sa Group B kasama ang Japan, Qatar at Hong Kong, ang Iraq kasunod ang United Arab Emirates.
Dahil sa walang sasalo sa naiwang puwesto ng Lebanon, tatlong koponan lamang ang bubuo sa Group B at awtomatikong papasok sa second round.
Kasama naman ng Gilas Pilipinas II sa Group A ang Saudi Arabia, Jordan at Chinese-Taipei.
- Latest