^

PSN Palaro

Habagat sinibak ng Chinese Taipei sa AsPac

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Baseball Stadium)

8:30 a.m. Chinese Taipei

vs Korea (Aspac title)

11:00 a.m. Indonesia

vs RP (SEA title)

 

MANILA, Philippines - Inilabas ng defending world champion Chinese Taipei ang kanilang tunay na laro laban sa Pilipinas tungo sa 15-0 shutout panalo sa PONY League Asia-Pacific Regional Qualifiers semifinals kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Sa unang dalawang innings lamang nakasabay ang Philippine Habagat bago ipinamalas ng bisitang koponan ang bangis sa pagpalo sa third inning na kung saan gumawa sila ng walo sa 18 hits sa laro para lumayo na.

Sina Lee Sheng Chieh at Choe Wei ay naka-triple habang two-baggers ang ginawa nina Chang Heng at Kuw Wen Yi  sa nasabing inning para kunin ang 11-0 bentahe.

“Chinese Taipei is the best in the world in this ca­tegory. But 15-0 is not that bad because two years ago, we were 12-0 after the first inning. At least ngayon, na-hold natin sa first two inning sa tig-two runs,” wika ni coach Mike Ochosa na naungusan ng Japan, 2-4, para malagay sa ikalawang puwesto sa Group elimination.

Tinalo ng Korea ang Japan, 11-5, para siyang makakuha ng karapatan na lumaban sa Finals at ang mananalo ang aabante sa World Series sa Los Alamitos, California mula Agosto 1 hanggang 4.

Ang magiging konsolas­yon ng host team sa apat na araw na torneo na may ayuda ng McDonalds, Purefoods Tender Juicy Hotdog, Gatorade, Nutrilite, Country Style, Jamba Juice, Amway at Magnolia Purewater ay ang mapanatiling hawak ang South East Asian title sa pagharap sa Indonesia.

vuukle comment

CHANG HENG

CHINESE TAIPEI

CHOE WEI

COUNTRY STYLE

JAMBA JUICE

KUW WEN YI

LARO NGAYON

LEAGUE ASIA-PACIFIC REGIONAL QUALIFIERS

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with