^

PSN Palaro

Donaire inayawan na ang rematch kay Darchinyan

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinagalit ni dating world flyweight champion Vic Darchinyan ang pagdadalawang-isip ni world four-division titlist Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na labanan siya sa super bantamweight class sa kanilang rematch.

Sinabi ni Donaire na kasalukuyang siyang tumitimbang ng 140 pounds at hindi siya komportableng labanang muli si Darchinyan sa 122 pounds (super bantamweight).

“No matter what excuses you make about weight, I am still going to break you the way I made you,” wika ng 37-anyos na si Darchinyan (39-5-1, 28 KOs) sa 30-anyos na si Donaire (31-2-0, 20 KOs).

Pinabagsak ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa Armenian fighter ang mga suot nitong International Boxing Fede­ration at International Bo­xing Organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.

At mula noon ay palagian nang hinahamon ni Darchinyan si Donaire para sa isang rematch.

Nagmula ang tubong Talibon, Bohol sa isang kabiguan kay World Boxing Association titlist Guillermo Rigondeaux (12-0, 8 KOs) ng Cuba noong Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York City.

Inihayag kamakailan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na itatakda niya ang rematch nina Donaire at Darchinyan sa Nobyembre sa isang non-title, super bantamweight fight.

Plano naman ni Do­nai­re na umakyat sa fea­therweight category sa kan­yang pagbabalik sa aksyon.

 

BOB ARUM

DARCHINYAN

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RIGONDEAUX

INTERNATIONAL BO

INTERNATIONAL BOXING FEDE

NEW YORK CITY

RADIO CITY MUSIC HALL

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with