PBA tatanggap na ng aplikante para sa 2013 Rookie Draft
MANILA, Philippines - Mga bagong grupo ng rookies ang inaasahang lalahok sa 2013 PBA Draft sa Nobyembre.
Tatanggap na ang liga ng mga aplikanteng may edad 21-anyos para sa NoÂvember 3 event kung saan dapat naabot na ng isang player ang required age sa pagbubukas ng 2014 SeaÂson sa huling linggo ng NobÂyembre.
Kung ang isang rookie hopeful ay mas bata ng 21-anÂyos sa Nobyembre 17, kailangan pa siyang maÂkapasa sa requirement upang mapabilang sa huling Draft pool.
Dapat siyang nakatapos sa isang four-year college course.
Ang bagong eligibility requirements ay inaprubahan ng PBA Board of Governors noong Marso.
Sa nakaraang mga taÂon, ang mga college unÂder-graduates ay dapat 23-anyos sa Draft day para maging eligible.
Ilan sa mga inaasahang sasali sa PBA Draft ay si PBA D-League center Greg Slaughter, PBA D-League at NCAA MVP Ian Sangalang at ang mga Ateneo frontliÂners na sina Nico Salva at Justin Chua.
Posible na ring lumahok sina RR Garcia, Ronald Pascual, Carlo Lastimosa at Jett Vidal.
Wala pang desisyon si two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks kung aakyat na sa PBA.
- Latest