Howard pormal ng ipinakilala sa Rockets
MANILA, Philippines - Mula sa pagiging ‘Superman,’ si Dwight Howard ay makikilala na bilang ‘Rocket Man’ matapos kunin ng Houston Rockets para sa papasok na NBA season.
“It means a lot to me just to have a fresh start and have an opportunity to write my own story,†wika ni HoÂward matapos tawagin sa bago niyang nickname ng mga bagong kakampi sa pormal na pagpapakilala sa kanya bilang bagong miyembro ng Rockets.
Apat na taon na kontrata na nagkakahalaga ng $88 milyon ang ibinigay ng Houston sa 6’11 center na nagsimula sa NBA sa koponan ng Orlando Magic.
Ito ay malayo sa alok na $118 milyon para manatili siya sa Los Angeles Lakers pero masaya ang dating Orlando Magic na manlaÂlaro sa desisyon.
“I don’t think people understood the fact that I got traded to L.A. and now I had a chance to really choose my own destiny, and this is the place where I chose and I’m happy about it,†pahayag pa ni Howard.
Nakasama sa mga sumaksi sa pormal na pagpapakilala kay Howard ang mga dating pambatong sentro ng Rockets na sina Hakeem Olajuwon at Yao Ming bukod pa kina Ralph Sampson, Clyde Crexler at Elvin Hayes.
- Latest