Iran kampeon sa Jones cup Gilas kinapos sa NBL All Stars
MANILA, Philippines - Kinapos ang Gilas Pilipinas sa endgame para matalo sa NBL All Stars, 85-86, sa ikaÂtlong tune-up game sa Pettigrew Green Arena sa Napier, New Zealand.
Maganda ang ipinakita ng mga malalaÂking sina Japeth Aguilar at Junemar Fajardo pero malambot ang larong ibinigay ni naturaÂlized center Marcus Douthit upang makita ng Pambansang koponan na magwakas ang dalawang dikit na panalo na naiposte sa Hawkes Bay Hawks.
“Dropped a closed one to the NBL Select squad, 86-85. Marcus Douthit still struggled but Japeth Aguilar and Kraken (Fajardo) played great,†wika ni National coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account.
Aminado si Reyes na nag-aalala siya sa ipinakikita ni Douthit lalo pa’t malaking bahagi siya sa gagawing kampanya ng Gilas para sa asam na tagumpay sa FIBA Asia Men’s Championship sa Pilipinas.
Habang hinahasa pa ng Gilas ang kalibre ng koponan, ang Iran ay nagparamdam ng kahandaan na doÂminahin ang kompetisyon sa Agosto sa pagsungkit ng titulo sa 2013 William Jones Cup sa Chinese Taipei.
Ang 7’2 NBA center na si Hamed Haddadi ay mayroong 17 puntos at 11 rebounds habang 14 puntos ang ginawa ni 6’6 forward Oskin Sahakian sa 72-67 panalo sa host Chinese Taipei noong Sabado.
Ito ang ikapitong sunod na panalo ng Iran bago harapin ang Lebanon (2-5) sa huling laro. Kahit matalo pa ang koÂponan at makatabla ang South Korea sa 7-1 baraha, ang Iranians pa rin ang lalabas na kampeon dahil tinalo nila ang Koreans sa naunang pagkikita.
Ito ang ikaapat na titulo sa Jones Cup ng Iran para maÂkapantay sa Pilipinas sa bilang ng titulong napanalunan sa kompetisyon.
Ang Nationals na ginabayan ni Reyes, ang kampeon noong nakaraang edisyon pero hindi pinasali ng organiÂzers bunga ng politika matapos mapatay ang isa nilang mangingisda sa Batanes.
- Latest