^

PSN Palaro

Bakbakan na!: Sabillo, Estrada walang problema sa timbang

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parehong pumasok sa weight limit sina world minimumweight champion Merlito Sabillo at Colombian challenger Jorlie Estrada sa kanilang weigh-in kahapon para sa upakan nila ngayong gabi sa Solaire Resort Hotel and Casino sa Pasay City.

Tumimbang si Sabillo ng 104 pounds, habang mas magaang naman sa 103 pounds si Estrada.

Idedepensa ni Sabillo (21-0-0, 11 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization minimumweight crown sa unang pagkakataon laban kay Estrada (16-6-0, 5 KOs).

“Inaalay ko itong laban na ito sa aking mga kababa­yan, sa pamilya ko,” wika ng 29-anyos na tubong Toboso, Negros Occidental.

“Basta kapag nakakita ako ng pagkakataon talagang pababagsakin ko siya,” dagdag pa ni Sabillo kay Estrada, inihayag na hanggang seven rounds lang tatagal ang laban at siya ang mananalo via knockout.

Kumpiyansa naman ang 24-anyos na si Estrada, No. 6 sa WBO rankings sa buwan ng Mayo, na maaagaw niya ang titulo ni Sabillo.

“I’m confident that I can win this fght and bring home the title,” sabi ni Estrada sa pamamagitan ng isang interpreter.

Sa undercard, pag-aagawan nina ‘King’ Arthur Villanueva (21-0-0, 11 KOs) at Mexican Arturo Badillo (21-4-0, 19 KOs) ang bakanteng WBO Asia Pacific super flyweight title.

Makakasukatan naman ni bantamweight AJ ‘Bazooka’ Banal (28-2-1, 20 KOs) si Mexican Abraham ‘Cholo’ Gomez (18-7-1, 9 KOs) at lalabanan ni super bantamweight ‘Prince’ Albert Pagara (14-0-0, 10 KOs) si Khunkhiri Wor Wisaruth (9-4-1, 5 KOs) sa kani-kanilang non-title fights.

ALBERT PAGARA

ARTHUR VILLANUEVA

ASIA PACIFIC

JORLIE ESTRADA

KHUNKHIRI WOR WISARUTH

KOS

MERLITO SABILLO

MEXICAN ABRAHAM

MEXICAN ARTURO BADILLO

SABILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with