^

PSN Palaro

GTK, Gomez maghahanap ng mga Fil-Ams

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inimbitahan ni PSC Com­­missioner Jolly Gomez si athletics president Go Teng Kok para tumu­ngo sa San Diego, Califor­nia at tingnan ang mga Fil-Americans na inirerekomenda ni American coach Ryan Flaherty na maisama sa delegasyong lalahok sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Ang imbitasyon ay ipi­na­­abot ni Gomez nang mag­pulong sila ni Go ukol sa posibleng pagpasok ng mga Fil-Ams para ma­pa­lakas ang tsansa ng bansa na manalo ng ginto sa Myanmar SEA Games.

Sinabi ni Go na maayos natapos ang pagpupulong dahil naipaliwanag niya kay Go­mez ang nais niyang mangyari sa mga Fil-Ams.

Ayon kay Go, ang mga Fil-Ams ay dapat munang pag­pakita ng Philippine passport, at kung mayro­on na ay dapat ipakita na karapat-dapat silang ma­pasama sa national team.

Aalis sina Go at Gomez sa patungong San Diego para makita ng personal ang mga inirerekomenda ni Flaherty, kinuha ng PSC pa­ra pag-aralan kung pa­ano mapapalakas ang kalidad ng atleta ng Philippine Amateur Track and Field Association.

Nagpasabi rin si Laher­ty ng pagnanais na mapasok siya bilang head coach sa PATAFA.

FIL-AMS

GO TENG KOK

GOMEZ

JOLLY GOMEZ

MYANMAR

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

RYAN FLAHERTY

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with