2013 Philippine Super Liga invitationals Rising Suns, Lady Troopers nanaig
Laro Bukas
(The Arena,
San Juan City)
2 p.m. PLDT-MyDSL
vs Cagayan Valley
4 p.m. Petron
vs TMS-Army
6 p.m. PCSO-Bingo Milyonaryo vs Cignal
MANILA, Philippines - Pinawi ni Joy Benito ang dalawang errors sa deÂciding fifth set para balikatin ang 16-25, 25-18, 20-25, 25-15, 15-13 panalo ng Cagayan Valley kontra sa PCSO-Bingo Milyonaryo sa Philippine Super Liga InÂvitational kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos ang 2009-2010 NCAA MVP na si BeÂnito na taglay ang 18 puntos at ang ika-15 at 16 kills niya sa laro ang bumasag sa 13-13 pagkakatabla para ibigay sa Lady RiÂsing Suns ang ikalawang suÂnod na panalo.
Bago ito, nagkaroon ng dalawang errors si Benito na ang una ay nagresulta paÂra makalamang ang Bingo Milyonaryo, 11-10, at ang huli ay para makatabla sa 13-13 ang kalaban.
May 18 puntos si Joy CaÂses, habang 12 ang giÂnawa ni Sandra delos SanÂtos para sa Cagayan na naunang nagwagi sa TMS-Army.
Tumapos si Michelle GuÂmabao taglay ang 19 puntos, habang sina SteÂÂphaÂnie Mercado, Ivy RemulÂlÂa at Michelle LaÂborte ay may 11, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasuÂnod.
Sinamantala naman ng TMS-Philippine Army ang 38 errors ng Cignal para kunin ang 25-22, 25-15, 25-27, 25-18 panalo sa unang laro.
May 16 puntos si Nerissa Bautista, habang ang lahat ng 15 puntos ni Joanna Bunag ay mula sa mga kills para katampukan ang pangingibabaw ng LaÂdy Troopers sa Cignal na bumaba sa 1-1 karta.
“Bumaba ang morale ng team noong natalo kami sa Cagayan Valley. Pero mas maganda ang inilaro niÂla at ang sinabi ko lang sa kanila ay i-maintain ang moÂmentum,†wika ni TMS-Army head coach Rico de Guzman.
May 21 kills tungo sa 24 hits si Venus Bernal para paÂmunuan ang natalong koÂponan.
- Latest