Reyes nangingilag sa mga makakalaban sa FIBA-Asia
MANILA, Philippines - Aminado si Gilas PilipiÂnas coach Chot Reyes na mabigat ang kanilang mga makakalaban sa daraÂting na 27th FIBA-Asia Men’s Championships na nakaÂtakda sa Agosto 1-11 at idaÂraos sa MOA Arena sa Pasay City at sa Ninoy AquiÂno Stadium sa Manila.
Ito ay base na rin sa kanÂyang mga napanood na laban sa Jones Cup at sa Stankovic Continental Cup.
Nangilag si Reyes sa mga koponan ng China, Iran, Korea at Chinese TaiÂpei.
“(We’re) watching all d Jones & Stanko Cup games. China, Iran, Korea, Taipei look real sharp. We got our work cut out for us,†sabi ni Reyes sa kanyang Twitter account sa kanilang mahabang 22 oras na biyaÂhe papunta sa Napier city sa New Zealand.
Giniba ng China ang Puerto Rico, Nigeria, GerÂmaÂny at Australia para tuÂmaÂpos na pangalawa sa nagÂkampeong Argentina sa Stankovic Continental Cup sa Guangzhou, China.
Sa Taipei, naglista ng magÂkahiwalay na panalo ang host team, South Korea at Iran para pamunuan ang Jones Cup.
Tinalo ng Taiwanese ang Jordanians, 91-61; hiÂniya ng Koreans ang Lebanese, 61-52; at binugbog ng Iranians ang Egyptians, 90-54; at nanaig ang Team USA sa Taipei B, 101-69.
- Latest