Estrada pababagsakin si Sabillo
MANILA, Philippines - Nangako si Colombian challenger Jorle Estrada na paÂbabagsakin niya si World Boxing Organization minimumÂweight champion Merlito Sabillo sa kanilang upakan sa Hulyo 13 sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque.
“I prepared three months for this fight,†wika ng 24-anÂyos na si Estrada sa pamamagitan ng isang interpreter kaÂhapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Si Sabillo ang isa sa tatlong Filipino boxing champions ngayon kasama sina IBF light flyweight king Johnriel CasiÂmero at WBO light flyweight titlist Donnie ‘Ahas’ Nietes.
Nangako si Estrada na patutulugin niya si Sabillo sa loÂÂob ng seven rounds.
“It doesn’t matter if I’m fighting here because I came here to win. I know his style. I’ve observed him through the Internet,†ani Estrada.
Nasa undercard ang mga laban nina King Arthur VilÂlanueva at Arturo Badillo para sa WBO Asia Pacific super flyweight title, habang makakasagupa ni AJ ‘Bazooka’ BaÂnal si Abraham Gomez at lalabanan ni Prince Albert Pagara si Khunkhiri Wor Wisaruth ng Thailand.
- Latest