Tigers pakay ang 3-0 marka
Laro Ngayon
(Smart Araneta
Coliseum)
2 p.m. UE vs Adamson
4 p.m. NU vs UST
MANILA, Philippines - Ang ikatlong sunod na tagumpay ang target ng Tigers, habang asam ng Red Warriors ang kanilang paÂngaÂÂlawang dikit na panalo.
Sasagupain ng University of Sto. Tomas ang NaÂtioÂnal University ngayong alas-4 ng hapon, habang laÂlabanan ng University of the East ang Adamson UniÂversity sa alas-2 sa first round ng 76th UAAP men’s basÂketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Ang mga unang tinalo ng Tigers ay ang La Salle Green Archers via overtime, 63-58, at ang Falcons, 67-62.
Sa kanilang panalo laban sa Adamson, nagbida siÂna Kevin Ferrer at Jeric Teng mula sa tinipang 17 at 15 points, ayon sa pagkakaÂsunod.
“Alam nila na Adamson ang isa sa mga contenders this season. Sabi ko sa kaÂnila, hindi tayo puwedeng maÂÂtalo para at least maka-una na tayo sa first round,†sabi ni coach Pido Jarencio sa kanyang mga Tigers.
Kasalukuyang hawak ng Far Eastern University ang liÂderato mula sa kanilang 3-0 baraha kasunod ang UST (2-0), La Salle (2-1), UE (1-1), NU (1-1), Adamson (1-1), five-time champions Ateneo De Manila University (0-3) at UniÂversity of the Philippines (0-3).
Kumpara sa Tigers, nagmula naman ang Bulldogs sa 66-71 kabiguan sa Red Warriors noong Hulyo 6.
Sa unang laro, hangad naman ng UE na maduplika ang kanilang panalo sa NU sa pagsagupa sa Adamson.
Sa naturang tagumpay konÂtra sa Bulldogs, naging bayani si guard Roi Sumang nang umiskor ng isang four-point play kontra kay Bobby Ray Parks, Jr.
Tumapos ang 22-anyos na si Sumang na may 19 marÂkers para sa Red Warriors, nauna nang natalo sa TaÂmaraws, 78-89, noong HunÂyo 29.
“It’s always hard to win the first game,†sabi ni mentor Boysie Zamar sa unang panalo ng UE.
- Latest