Sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre: Suwerte na kung tumapos ang team Phl bilang no. 6
MANILA, Philippines - Limang buwan bago ang 27th Southeast Asian Games sa Myanmar ay sinabi kahapon ng Philippine Sports ComÂmission na hanggang No. 6 lamang ang maaaring puÂwestuhan ng delegasyon sa overall medal tally.
Ito, ayon kay PSC chairman Richie Garcia, ay dahil sa ginawang ‘dagdag-bawas’ ng Myanmar sa mga sports events na lalaruin sa 2013 SEA Games sa Disyembre.
“Nandiyan ‘yung Thailand, nandiyan ‘yung Indonesia, nanÂdiyan ‘yung Malaysia, nandiyan ‘yung Singapore, nanÂdiyan ‘yung Vietnam,†ani Garcia. “So pang anim tayo. SiÂno pa ngayon ang tatalunin natin sa lima. Wala talaga taÂyong tatalunin.â€
“Kung na-maintain lang ‘yung dating mga kasamang sports, like football, we might be able to secure No. 6 or go up to No. 5,†dagdag pa ng PSC chief.
Ang mga Olympic events na badminton, lawn tennis at beach volleyball ay ipinalit ng Myanmar para sa kanilang mga traditional martial events na kagaya ng vovinam, chinÂlone at kempo.
Sa 36 events na nakuhanan ng mga Pinoy ng mga meÂdalya sa 2011 SEA Games, ang 16 dito ay hindi lalaruin sa Myanmar.
Kabuuang 1557 medalya ang nakataya sa Myanmar SEA Games kung saan ang 460 dito ay gold, 460 ay silver at 637 ay bronze.
Matapos maging overall champion noong 2005 Manila SEA Games mula sa nakuhang 113 gold, 84 silver at 94 bronze medals, nahulog ang bansa sa No. 6 (41-91-96) noÂong 2007 sa Thailand, No. 5 (38-35-51) sa Laos noong 2009 at No. 6 (36-56-77) sa Indonesia noong 2011.
Bilang protesta, hindi aabot sa 300 atleta ang ipapaÂdala ng Philippine Olympic Committee sa Myanmar SEA Games.
May 180 bilang ng atleta ang nalikom ng binuong SEAG Task Force para sa entry by numbers na isusumite sa Myanmar SEAG Organizing Committee.
Wala pang naisusumiteng bilang ng mga atleta ang football, badminton at shooting.
- Latest