Altas didiretso sa 3-dikit vs Stags
MANILA, Philippines - Hangad ng Altas na maÂÂkasalo sa liderato ang Knights, habang ang ikalaÂwang sunod na panalo ang asam ng three-time champions na Red Lions.
Lalabanan ng PerpeÂtual Help ang San Sebastian ngayong alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng San Beda College at Emilio Aguinaldo College sa alas-4 ng hapon sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor ng mga panalo ang Altas laban sa GeneÂrals, 69-49, noong Hunyo 27 at kontra sa Jose Rizal Heavy Bombers, 78-70, noong nakaraang linggo.
Tangan ng Letran ang liderato mula sa kanilang 3-0 kartada kasunod ang Perpetual (2-0), San Beda (2-1), Lyceum (1-2), Jose Rizal (1-2), Arellano (1-2), San Sebastian (1-2), EAC (1-2), Mapua (1-2) at St. Benilde (0-2).
Nagmula ang Knights sa 69-66 overtime win laban sa Heavy Bombers noong Sabado.
Muling aasahan ng 73-anyos na si coach Aric del Rosario para sa Altas sina Nigerian Nosa Omorogbe, Harold ArboÂleda at Justin Alano at mga bagitong sina Nestor Bantayan at Kevin Lucente.
Hindi pa rin naglalaro para sa Las Piñas-based cagers si 6-foot-6 Nigerian Femi Babayemi dahil sa back injury.
Sa unang laro, puntirya ng Red Lions ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Generals.
Umiskor ang San Beda ng isang 67-54 panalo laban sa Arellano.
- Latest