Si Radwanska naman ang sinibak sa semis: Lisicki ‘di maawat sa paninilat sa Wimbledon
LONDON--Inungusan ni 23rd-seeded Sabine Lisicki ng Germany si No. 4 Agnieska Radwanska ng Poland, 6-4, 2-6, 9-7, para makapasok sa finals ng Wimbledon.
“I just fought with all my heart,†sabi ni Lisicki, nauna nang sinibak ang nagdedepensang si Serena Williams. “I believed that I could still win, no matter what the score was.â€
Makakasagupa ni Lisicki para sa korona si 15th-seeded Marion Bartoli ng France, nakapasok sa kanyang ikalawang Wimbledon finals mula sa isang 6-1, 6-2 panalo kontra kay No. 20 Kirsten Flipkens ng Belgium.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa 45-year Open history na maglalaban para sa titulo ang dalawang woÂmen player na hindi pa nananalo ng Grand Slam trophy.
Sina Lisicki at Bartoli ang magiging ikalawang lowest pair ng seeded women na maghaharap para sa Wimbledon title.
Noong 2007, isang No. 18 seed si Bartoli at natalo kay No. 23 Venus Williams.
Sa 11 sa nakaraang 13 taon, isa kina Serena at Venus ang nakakapasok sa Wimbledon finals.
Ngayong taon, ang five-time champion na si Venus ay hindi nakalaro dahil sa kanyang back injury, habang nagwakas naman ang 34-match winning streak ng five-time titlist na si Serena nang matalo kay Lisicki sa fourth round.
- Latest