Hatid nina Jamili at Parcon sa dance sports: Pinoy athletes naka-gold din
MANILA, Philippines - Sumandal ang Pilipinas sa galing nina Gerald Jamili at Cherry Clarice Parcon nang ibigay nila ang unang ginto sa Pambansang koponan na naglalaro sa 4th Asian Indoor And Martial Arts Games sa Incheon, Korea.
Kumuha ang magkaÂtambal ng nangungunang 42.15 puntos kabuuang iskor mula sa limang kaÂtegorya para manaig sa anim na iba pang kalahok sa Latin Jive sa dancesport na nagtapos kahapon.
Ang Korea ang kumuha ng pilak sa 41.72 puntos bago sumunod ang Japan na may pumapangatlong 40.14 puntos.
Ito ang ikalawang meÂdalya sa kompetisyon nina Jamili at Parcon dahil nanalo na sila ng bronze medal sa Latin-Five Dances sa naitalang 204.49 puntos.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong isang ginto at dalawang bronze meÂdals at ang isa pang bronze ay hatid ni Rubilen Amit sa women’s 10-ball event sa bilyar.
Pero hindi na nadagdagan pa ang medalya sa cue sport dahil maagang nasibak sina Amit at Iris Ranola sa women’s 9-ball.
Si Amit ay pinagpahiÂnga ni Fu Xiaofang ng China, 7-4, habang si Ranola, na nanalo ng dalawang ginto sa 2011 SEA Games at kampeon sa Philippine National Games ay yumukod kay Thi Ngoc Huyen Huynh ng Vietnam, 7-4.
Wala namang naihatid na medalya ang bowling team sa kalalakihan at kababaihan nang hindi rin kuminang sa Team of Four habang ang chess team ay hindi pa rin sinusuwerte.
Huling laban ng chess team ang sa blitz team event.
- Latest