^

PSN Palaro

Hiniya ang Indonesia: Phl kumakaway sa World Series

Pilipino Star Ngayon

CLARK FREEPORT ZONE--Namayani ang mga Philippine teams sa Indonesia teams para lumapit sa puwesto sa World Series sa pagpapatuloy kahapon ng 2013 Asia-Pacific and Middle East tournament sa Clark Parade Grounds sa Clark Freeport Zone.

Namuno ang World Big League champion Manila South sa 18-0 regulation panalo at kailangan na la­­mang na manalo pa sa Guam ngayong umaga para walisin ang double-round robin sa hanay ng bansa upang umabante sa World Series.

May 11 runs mula sa 10-hits ang kinubra agad ng Manila South sa unang inning pa lamang para ali­san ng anumang kumpiyansa ang Indonesian softbelles.

Humirit ang Sta. Cruz, Laguna ng 10-0 panalo sa Seniors habang ang Iloilo Province ay mayroong 22-0 pagdurog sa Juniors na lahat ay laban sa Indons teams.

Sumama rin ang ILLAM sa posibleng pumasok sa World Series sa kinuhang 6-1 panorpresang panalo sa New Zealand sa semifinals ng Senior League Baseball.

Kalaban sa championship ng ILLAM ang CNMI Saipan na kinuha ang 3-0 panalo sa Hong Kong sa isa pang semis match.

Nauna ng nakapasok sa World Series  ang Iloilo Province nang dominahin ang Little League Softball.

Kumana ng mga home­runs sina Boo Barandian, Dan Laurel at Miguel Habana para sa ILLAM na mayroon ding 10 hits sa Kiwis.

Naisagawa ang hosting na ito sa tulong ng Clark Development Corp., Philippine Sports Commission at KFC.

 

ASIA-PACIFIC AND MIDDLE EAST

BOO BARANDIAN

CLARK DEVELOPMENT CORP

CLARK FREEPORT ZONE

CLARK PARADE GROUNDS

DAN LAUREL

ILOILO PROVINCE

MANILA SOUTH

WORLD SERIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with