^

PSN Palaro

Sa pag-atras ng mga player para sa Summer Universiade: UAAP kinondena ng FESSAP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansariling interes lamang ang iniisip ng pamu­nuan ng UAAP matapos umatras sa pagpapadala ng manlalaro sa 27th Summer Universiade na magsi­simula na sa Sabado sa Kazan, Russia.

Ito ang akusasyong bi­nitiwan ni Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) president David Ong sa UAAP na hindi rin umano nagpasabi sa FESSAP kung bakit nila iniurong ang mga manlalarong unang kasama sa delegasyon.

“Unpatriotic move ito dahil pinagkaitan nila ng pagkakataon ang mga ba­tang manlalaro ng UAAP na maranasan ang ganitong kalaking kompetisyon. Once in a lifetime lamang ito mangyayari sa kanila dahil ang mga atletang dapat na kasama ay hindi rin tiyak kung makakapag­laro pa sa ibang international competition tulad ng Olympics na kasinglaki ng Universiade,” wika ni Ong.

Sa kalatas noong Hunyo 7 na ipinalabas ni UAAP secretary-treasurer Ma. Luisa G. Isip ng host Adam­son, pinagbawalan ng liga ang mga manlalarong dapat ay kasama sa kompetisyon at ang mga susuway ay mapapa­tawan ng isang taong suspensyon.

Hindi naman tumutugon si Isip para sagutin ang paratang na unpatriotic ni Ong.

Noong 2011 na kung saan ang FESSAP ang kinilala ng international body FISU na kanilang miyembro sa Pilipinas, ang UAAP ay nagpadala ng kanilang mga atleta at si Samuel Morrison ng FEU ang nanalo ng pilak sa taekwondo na siya ring nag-iisang medalya ng delegasyon.

Wala man ang mga man­lalaro ng UAAP, may kumpiyansa si Ong sa kakayahan ng delegasyon na kuminang uli sa Russia lalo pa’t ang pinakamahusay na chess player ng bansa na si GM Wesley So ay ka­sama sa delegasyon.

vuukle comment

DAVID ONG

FEDERATION OF SCHOOL SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ISIP

LUISA G

ONG

SAMUEL MORRISON

SHY

SUMMER UNIVERSIADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with