Ginobili sa Spurs pa rin
SAN ANTONIO--ManaÂÂnatili si Manu Ginobili para alamin kung makakabalik pa sa itaas ang San Antonio Spurs.
Sinabi ni Ginobili sa kanyang Twitter account na patuloy siyang maglaÂlaro sa Spurs na kanyang tinulungang makakuha ng tatlong NBA titles.
“Thrilled to announce that as I always hoped, I’m gonna stay with the (at) Spurs for two more years,†wika ni Ginobili.
Nakipaglaban ang 36-anyos na si Ginobil sa mga injuries sa nakaraang season at sinabing pag-iisipan ang pagreretiro matapos ang playoffs.
Ngunit tinulungan niya ang Spurs na makabalik sa huling 28 segundo sa Game 7 bago natalo sa nagÂkampeong Miami Heat.
Ang kanyang pananatili ang muling bubuo sa ‘Big Three’ ng Spurs kasama sina Tim Duncan at Tony Parker para sa susunod na season.
- Latest