^

PSN Palaro

Ladon naka-buwenamano

Pilipino Star Ngayon

AMMAN, Jordan--Pinatunayan ni Rogen Ladon na tama ang pagkakapili sa kanya para ipanlaban sa light flyweight division sa Asian Elite Men’s Championships nang manalo sa unang laban dito.

Nahuli agad ni Ladon ang pasugod na istilo ni Naser Hasan ng Iraq para makuha ang unanimous decision sa 29-28, 29-28 at 30-27 iskor.

Ang 19-anyos na si Ladon ay napasama sa limang Pambansang boksingero na ipinadala ng ABAP matapos ang injury ni London Olympian Mark Anthony Barriga.

Mga mabibilis na kumbi­nasyon at pagkilos ang si­yang mabisang sandata ni Ladon para makasama ni 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar na palaban pa sa kompetisyon.

Si Saludar ay nakapagposte na ng dalawang pa­z­nalo at sasalang sa Biyernes laban kay Tanes Ongjunta ng Thailand sa quarterfinals ng flyweight division.

Sunod na katunggali ni Ladon si Temerlas Zhussupov ng Kazakhstan sa Sabado.

Samantala, bubuksan nina lightweight Junel Cantancio at bantamweight Mario Fernandez ang kampanya sa kompetisyon na nilahukan ng 27 Asian countries.

Noong Huwebes ng gabi  sila sumampa ng ring at kalaban ni Cantancio si Ardee Sailom ng Thailand at si Fernandez ay makakasukatan si Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan.

 

ARDEE SAILOM

ASIAN ELITE MEN

ASIAN GAMES

JUNEL CANTANCIO

KAIRAT YERALIYEV

KAZAKHSTAN

LADON

LONDON OLYMPIAN MARK ANTHONY BARRIGA

MARIO FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with