^

PSN Palaro

Sasailalim sa 5-day clinic sa New Zealand: American coach palalakasin ang Gilas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi makikita ang Gilas Pilipinas sa walo hanggang siyam na laro sa Jones Cup sa Taiwan ngunit sasailalim naman sila sa isang clinic kay American coach Tab Baldwin sa kanilang anim na laro sa New Zealand sa Hulyo 9-19.

Isang five-day clinic ang gagawin ni Baldwin para sa mga Filipino cagers sa Napier, New Zealand sa Hulyo 10-14.

Inaasahan ng mga Filipino players na marami silang mapupulot na aral mula kay Baldwin, tumulong sa Jordan sa second-place finish sa FIBA-Asia Championships sa Wuhan, China noong 2011.

Noong 2010, iginiya ng Jacksonville, Florida native ang Lebanese national team sa pagkopo sa titulo ng FIBA Asia Stankovic Cup.

Sa kanyang pagbabalik sa New Zealand ay hinirang siyang isang honorary officer ng New Zealand Order of Merit para sa kanyang pagtulong sa Tall Blacks sa semifinal finish sa 2002 World Championship sa Indianapolis.

May 1-1 record ang Gil­as Pilipinas at ang Jordan team na ginabayan ni Baldwin sa Wuhan meet.

Tinalo ng Jordanians ang Filipinos, 75-61, para makapasok sa finals kontra sa Chinese.

Habang nasa Napier, sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Napier team ni Baldwin para sa pagsisi­mula ng kanilang six-game New Zealand series na magtatapos sa kanilang pag­harap sa New Zealand National team sa Auckland sa Hulyo 18.

Umaasa si Gilas coach Chot Reyes na mapapa­lakas pa ng New Zealand trip ang kanilang laro bago ang 27th FIBA Asia Championship sa Agosto 1-11 sa MOA Arena sa Pasay at sa Ninoy Aquino Stadium.

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA STANKOVIC CUP

BALDWIN

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

HULYO

JONES CUP

NEW ZEALAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with