^

PSN Palaro

Lakers gusto pa rin si Howard

Pilipino Star Ngayon

EL SEGUNDO, Calif. --Halos dalawang oras tu­magal ang pagpupulong nina Lakers general manager Mitch Kupchak, Kobe Bryant, Steve Nash at iba pang kinatawan ng koponan noong Martes kasama si free agent center Dwight Howard sa hanga­ring panatilihin siya sa Los Angeles.

“At the meeting, we told him how important he is to the Lakers team, franchise, fans and community, and why we feel this is the best place for him to continue his career,” wika ni Kupchak sa isang statement. “We are hopeful that Dwight decides to remain a Laker.”

Si Howard ang tinatarget ngayong free agent ng mga koponan matapos magbukas ang free agency noong Lunes.

Hangad ng Lakers  na mapanatili si Howard sa Los Angeles.

Interesado rin sa serbis­yo ni Howard ang Houston Rockets, Dallas Mavericks at ang Atlanta Hawks.

Sa unang season ni Howard sa Lakers, nawalis ang Los Angeles sa first-round playoff series.

Hindi ito ikinasiya ni Ho­ward.

Puwedeng mag-alok ang Lakers ng isang maximum na $118 milyon sa loob ng limang seasons, habang ang ibang koponan ay puwedeng maglatag ng $88 milyon sa loob ng apat na taon.

Maaaring makipagnegosasyon ang mga team sa mga players ngunit ang lahat ng kontrata ay sa July 10 pa maaaring pirmahan alinsunod sa moratorium ng NBA ukol sa free agency base sa bagong collective bargaining agreement.

ATLANTA HAWKS

DALLAS MAVERICKS

DWIGHT HOWARD

HOUSTON ROCKETS

HOWARD

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

MITCH KUPCHAK

SI HOWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with