^

PSN Palaro

NBA sa MOA

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula na kahapon ang countdown para sa kauna-unahang NBA game na gaganapin sa Pilipinas sa Oct. 10 sa Mall of Asia Arena.

Isang off-season na laro ito sa pagitan ng Indiana Pacers at Houston Rockets. Ang ibig sabihin, parang official practice game habang pahinga ang season.

Ganun pa man ay isang malaking event ito dahil ito ang unang beses na dalawang NBA teams ang maglalaro sa bansa. Hindi ito isang selection o grupo ng players.

Ang buong Indiana Pacers at Houston Rockets ang dadalo rito at kahapon ay nagsimula ang countdown na 100 days at sa bilis ng panahon, maya-maya lang ay nandito na ang NBA.

Nasa bansa si Sam Perkins, ang dating manlalaro ng Dallas Mavericks, Los Angeles Lakers, Seattle Supersonics at Indiana Pacers para mag-promote ng darating na NBA game.

Mahigit sampung taon na matapos magretire si Perkins na nakaabot sa NBA finals ng tatlong beses pero hindi pinalad na manalo.

Pero dala niya ang mga magagandang alaala ng kanyang NBA career na nagsimula nung 1984. Na­alala pa niya ang buzzer-beating 3-point shot niya para sa Lakers sa Game 1 ng 1991 NBA finals laban sa Chicago.

Mabait manalita si Perkins na nagsabing kung maganda ang magiging pagtanggap ng bansa natin sa darating na NBA game ay tiyak na mauulit na ito taun-taon.

Sana nga at mangyari ito para naman makapunta rin dito sa ating bansa ang iba pang teams kahit na pang off-season game man lang.

Paubos na ang mga tickets sa laro sa Oct. 10 at ayon sa mga opisyales ng Mall of Asia, unang naubos ang pinakamurang ticket na may halagang P550.

May mga natitira pa naman na tickets, sabi nila, at kabilang na dito ang patron o ringside seats para sa umaatikabong P32,300.

Ubos tayo dyan!

vuukle comment

DALLAS MAVERICKS

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACERS

LOS ANGELES LAKERS

MALL OF ASIA

MALL OF ASIA ARENA

NBA

SAM PERKINS

SEATTLE SUPERSONICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with