Tinalo ang Stags sa 2 OT: Cardinals nanilat
Laro sa Huwebes
(The Arena, San Juan)
4 p.m. St. Benilde vs EAC
6 p.m. SBC vs Arellano
Russell Cadayona
MANILA, Philippines - Kinailangan ng Cardinals na bumangon mula sa isang 20-point deficit sa third quarter at dalawang overtime period para masungkit ang kanilang unang panalo.
Niresbakan ng Mapua ang San Sebastian College via double overtime, 104-99, sa 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Kumabig si Joseph ErioÂbu ng 30 points at 11 rebounds para sa 1-1 record ng Cardinals, habang umiskor sina CJ Perez at Art Dela Cruz ng tig-24 points sa panig ng Stags (1-2).
Ibinaon ng San SebasÂtian ni coach Topex RoÂbinson sa pamamagitan ng isang 20-point lead, 57-37, sa 5:47 ng third quarter, kumayod ang Mapua ng isang 18-0 atake para makadikit sa 55-57 agwat.
Naagaw ng Cardinals ang unahan, 61-60, buhat sa slam dunk ni Eriobu sa ilalim ng walong minuto sa fourth period bago ito pinalaki sa 71-66 sa 4:03 ng nasabing yugto.
Matapos makadikit sa 74-76 sa huling minuto ng laro, itinabla ni Jamil Ortuoste ang Stags sa 76-76 mula sa kanyang fastbreak layup sa natitirang 53 segundo patungo sa unang overtime period.
Kinuha ng San Sebastian ang 82-78 kalamangan hanggang sa makatabla ang Mapua sa 86-86 galing sa isang three-point shot ni Kenneth Ighalo.
Isang agaw at basket ni Ortuoste ang nagbigay sa Stags ng 88-86 bentahe kasunod ang putback ni Eriobu upang muling itabla ang Cardinals sa 88-88 sa nalalabing 13.9 segundo papunta sa ikalawang extension period.
Nagbida naman si Mark Brana para ilayo ang Mapua sa 92-88 at tuluÂyang iniwanan ang San Sebastian sa 102-94 sa huling minuto ng labanan.
MIT 104--Eriobu 30, IghaÂlo 21, Braña 15, Saitanan 15, Isit 10, Estrella 4, Magsigay 4, Cantos 3, Biteng 2.
SSC--R 99 - Dela Cruz 24, Perez 24, De Vera 17, Ortouste 14, Guinto 8, Tano 6, Gusi 5, Magno 1, Aquino 0, Vergara 0.
Quarterscores: 27-12; 45-31; 57-55; 76-76; 88-88 (OT); 104-99 (2OT).
- Latest