Perpetual, JRU sososyo
MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng Altas at ng Heavy Bombers na makasalo sa Knights sa liderato, habang ang ikalawang sunod na panalo ang target ng Stags.
Magsasagupa ang Perpetual Help at ang Jose Rizal University ngayong alas-6 ng gabi matapos ang banggaan ng San Sebastian College at Mapua sa alas-4 ng hapon sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Tangan ng Letran ang liderato mula sa kanilang 2-0 record kasunod ang Perpetual (1-0), Jose Rizal (1-0), three-time champions San Beda (1-1), San Sebastian (1-1), Lyceum (1-10), Arellano (1-1), St. Benile (0-1), Mapua (0-1) at Emilio Aguinaldo College (0-2).
Umiskor ang Altas ng isang 69-49 panalo sa GeÂnerals, samantalang nagtala naman ang Heavy Bombers ng 83-72 tagumpay kontra sa Cardinals sa kani-kanilang unang laro.
“First game pa lang naÂman ‘yan, marami pang mangyayari,†sabi ng 73-anyos na si coach Aric Del Rosario sa kanyang Perpetual na nakapasok sa Finals Four ng nakaraang NCAA season.
Sa nasabing paggupo sa EAC, nagtala sina Nigerian Nosa Omorogbe at Earl Thompson ng tig-14 points kasunod ang 12 ni rookie Juneric Baloria.
- Latest