US netters ubos sa Wimbledon
LONDON--Naitala ng US ang pinakamasamang performance sa Wimbledon nang maubos ang kanilang mga kinatawan papasok sa ikatlong round.
Ang huling US player na namahinga ay si world number 156 Bobby Reynolds na lumasap ng 6-7 (2), 3-6, 1-6, straight sets na pagkatalo sa kamay ng World number one na si Novak Djokovic sa second round.
May 11 tenista ang isinali ng US at ang mga seeded players na sina John Isner (18th) at Sam Querrey (21st) ay namaalam na noong Miyerkules.
Si Isner ay nagretiro dahil sa injury sa laro laban kay Adrian Mannarino ng France habang sa five-setter na maalam si Querrey kay Bernard Tomic ng Australia.
Ito ang pinakamasamang naipakita ng US mula 1912 at lumawig sa 13 taon ang pagkauhaw na makakita ang bansa ng kampeon sa Grandslam event na ito.
Si Pete Sampras ang huling Amerikano na nanalo sa Wimbledon na naitala noong 2000 habang si Andy Roddick ay tatlong beses na pumangalawa noong 2004, 2005 at 2009 nang hindi kayanin si Roger Federer.
- Latest