Stags pinasuko ang Chiefs: Altas nagparamdam agad
Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
4 p.m. Arellano vs Lyceum
6 p.m. Letran vs EAC
MANILA, Philippines - Nagparamdam kaagad ng kanilang lakas ang Altas.
Mula sa mainit na first half ay hindi na pinaporma ng Perpetual Help ang Emilio Aguinaldo College patungo sa kanilang 69-49 panalo sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Sinamahan ng Altas sa itaas mula sa magkakatulad nilang 1-0 record ang Letran Knights, Jose Rizal Heavy Bombers at Lyceum Pirates.
Matapos kunin ang 31-16 abante sa halftime, pinalobo ng Perpetual ang kanilang kalamangan sa EAC sa 41-20 sa likod nina Justine Alano, Harold ArboÂleda at Nosa Nicholas Omorogbe sa 4:33 sa third period.
Binuksan ni Earl Scottie Thompson ang fourth quarter sa pamamagitan ng isang three-point shot bago ibigay sa Altas ang isang 20-point lead, 52-32, kontra sa Generals sa 8:40 nito.
Inilista ng Perpetual ang isang 22-point advantage, 56-34, buhat sa basket ni Omorogbe sa 6:38 minuto kasunod ang isang three-point shot ni Juneric Baloria para tuluyan nang ibaon ang EAC sa 69-46 sa huling 1:42 ng labanan.
Sa unang laro, sinandigan ng San Sebastian College si Jamil Ortuoste sa kanyang ginawang 28 points mula sa malupit na 10-of-15 fieldgoal shooting para talunin ang Arellano University, 78-76.
Bumangon ang Stags mula sa kanilang 69-74 kabiguan sa Letran Knights noong nakaraang Sabado.
Matapos kunin ng San Sebastian ang 60-54 abante sa third period, isang 7-0 atake ang ginawa ng Arellano para agawin ang unahan, 61-60, sa fourth quarter.
Nagpakawala naman ang Stags ng isang 9-0 ratsada para muling angkinin ang unahan sa 69-61 na tinampukan ng basket ni Ortuoste sa 6:20 ng laro.
Muling nakalapit ang Chiefs sa 67-73 kasunod ang floater ni Ortuoste upang selyuhan ang pa-nalo ng five-time champions.
Kumolekta si Bradwyn Guinto ng 10 points at 11 rebounds para sa San Sebastian.
San Sebastian 78 – Ortuoste 28, De Vera 15, Dela Cruz 10, Guinto 10, Perez 10, Gusi 3, Rebollos 1, Tano 1, Magno 0.
Arellano 76 – Caperal 11, Hernandez 11, Agovida 10, Pinto 10, Salcedo 6, Forrester6, Jalalon 6, Enriquez 5, Cadavis 4, Margallo4, Nicholls 3, Bangga 0, Gumaru 0.
Quarterscores: 20-14, 35-39, 60-54, 78-76.
Perpetual 69 – Thompson 14, Omorogbe 14, Baloria 12, Arboleda 10, Dizon 7, Alano 6, Bantayan 4, Elopre 2, Oliveria 0, Lucente 0, Jolangcob 0.
EAC 49 – Paguia 12, Happi 8, King 7, Mejos 4, Jamon 4, Arquero 4, Munsayac 3, Monteclaro 2, Tayongtong 2, Castro 2, Morada 1, Hassan 0, Hiole 0.
Quarterscores: 11-8, 31-16, 46-32, 69-49.
- Latest